-- Advertisements --
Umabot sa 68 kabahayan ng Tabing-Ilog, Barangay Rosario sa Pasign City ang nabigyan na ng legal na connection ng suplay ng kuryente.
Mula pa mahigit 30 taon ay walang stable na suplay ng kuryente ang nasabing lugar.
Aabot sa P1.4 miyon na halaga ang inilaan para sa nasabing proyekto na magkakaroon ang mga residente ng sarili nilang metro ng kuryente.
Sa loob kasi ng 30 taon ay napipilitang magsagawa ng iligal na connection ang nasabing mga mga residente.
Mismo ang local government unit ang nakipagtulungan sa Meralco para sa pagproseso ng mga papeles ng mga residente.