-- Advertisements --

Kinumpirma ng Commission on Elections na aabot sa mahigit 68 million ang bilang ng mga botanteng lalahok sa 2025 midterm elections at Bangsamoro Parliamentary Elections.

Batay sa datos ng poll body , ang kabuuang bilang ng mga botante para sa susunod na halalan ay aabot sa 68,618,667.

Ang naturang bilang ay binubuo ng mga lalaking botante na umaabot sa 33,690,884 habang aabot naman sa 34,927,783 ay pawang mga botanteng babae.

Ayon sa komisyon, ang naturang numero ay natanggap ng 1,667 office of election officers .

Nabatid na nangunguna ang Region IV-A (Calabarzon) sa pinaka maraming bilang ng mga botante na pumapalo sa 9,764,170.

Sinundan ito ng Region III (Central Luzon) na mayroong 7,712,535 voters, NCR – 7,562,858 , Region 1 – 3,651,539.

Naitala naman ang pinakamababang bilang ng mga botante sa Cordillera Administrative Region na umabot lamang sa 1,111,859.

Ang voters registration ay unang sinimulan noong February 12 at nagtapos noong September 30 ng taong ito.