-- Advertisements --
image 213

Pabor ang nasa 68% ng mga Pilipino sa plano na ibalik ang mandatoryong Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) para sa mga nasa edad 18 taong gulang pataas batay sa resulta ng survey mula sa OCTA Research.

Sa 4th Quarter of 2022 Tugon ng Masa Survey na isinagawa mula Oktubre 23 hanggang 27, natanong ang nasa 1,200 adults respondents sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Napag-alaman na nasa 28% din ang tutol sa naturang plano.

Pinakamarami o nasa 75% ng mga Pilipino na pumabor ay mula sa Mindanao habang pinakamababa naman sa Metro Manila.

Nasa 82% naman ng mga Pilipino kabilang sa socio-economic class ABC ay pabor din sa nasabing plano habang nasa 31% ng mga Pilipino na kabilang sa socio-economi class D ay hindi naman pabor sa mandatory ROTC.

Kung matatandaan na ang mandatory ROTC sa mga kalalakihang nasa kolehiyo ay binuwag noong 2002 kasunod ng pagkakapasa ng Republic Act 9163 o ang National Service Training Program (NSTP) Act of 2001.

Ang ROTC na isa sa components ng NSTP ay naging optional at boluntaryo para sa mga college students sa ilalim ng naturang batas.

Ipinasa naman ang batas kasunod ng pagkamatay ng isang estudyante ng University of Santo Tomas (UST) at ROTC cadet officer na si Mark Welson Chua ng kaniyang fellow cadet officers matapos isiwalat ang mga giangawang korupsyon, bribery at extortion sa ROTC sa unibersidad.