-- Advertisements --
Nasa 68 mga inmates ang nasawi sa nagyaring riot sa Litoral Penitentiary sa Ecuador na matatagpuan sa Guayaquil City.
Ayon sa mga opisyal ng Ecuador na nagsimula ang nasabing riot mula sa magkalaban na gang sa loob ng piitan na ikinasugat din ng 25 ibang mga preso.
Tinawag ni Ecuador President Guillermo Lasso ang nasabing insidente bilang “crisis cabinet” at tiniyak ang agarang pag-iimbestiga.
Magugunitang noong Setyembre ay mayroong naganap din na riot sa nasabing piitan na ikinasawi ng 118 katao.