Suot ang itim na damit, helmet at goggles patuloy ang pagkalampag ng milyon-milyong nagpo-protesta sa iba’t-ibang panig ng Hong kong upang labanan ang extradition bill na pinipilit isulong sa naturang bansa.
Hinarangan ng mga ito ang halos lahat ng government headquarters na naging sanhi upang mapilitan ang mga mambabatas na pansamantalang ipagpaliban ang dapat sana’y debate na gaganapin tungkol sa kontrobersiya.
Tinatakot din ng mga nagpoprotesta ang kapulisan na gagamit sila ng pepper spray kung patuloy silang haharangin ng mga ito.
Ang extradition bill ay ang panukalang batas kung saan ipapadala pabalik ng China ang mga kriminal upang doon simulan ang kanilang paglilitis.
Sa kabila ng kaguluhang nagaganap ay nagpaabot naman ng suporta si Taiwanese Foreign Minister Joseph Wu sa mamamayan ng Hong Kong. Aniya, kaisa ng bansa ang Taiwan sa pakikipaglaban nito. Ibinahagi rin niya ang sulat na ipinadala nito kay Carrie Lam kasama ang 73 non-government organization na bawiin ang pagpapatupad ng extradition bill.
Samantala, nagpahayag na rin ng pakikiisa ang mga porn sites sa Hong Kong na tutol din sa extradition bill. Hinikayat ng mga ito ang kanilang users na sumali sa malawakang kilos protesta.
Hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagpakita ng suporta ang mga porn sites sa pro-democracy action.