WestMinCom, may operational template na para pulbusin ang Abu Sayyaf – chief
Mayroon na umanong “operational template” na susundan ang Western Mindanao Command (WestMinCom) para pulbusin ang teroristang Abu Sayyaf bago magtapos ang taon.
Ayon kay WestMinCom commander, Lt. Gen. Cirilito Sobejana, ito ay sa pamamagitan ng whole of “government approach” bukod sa ikakasang military operations.
Paliwanag ng heneral, ang nasabing template ang magsisilbing gabay ng militar sa kanilang magiging aksyon laban sa teroristang Abu Sayyaf.
Siniguro ni Sobejana, kasado na ang kanilang operation plan laban sa teroristang grupo.
Kanila na ring napunan ang mga natukoy na gaps nang sa gayon, hindi na makakatakas pa ang teroristang grupo.
“Well we are coming with a template that will guide our actions, with our experienced commanders tapos with our better understanding of the dynamics of the conflict, holistic yung approach natin, tapos may mga gaps tayo, identified gaps, we have to fill in these gaps so that there will be no place for the terror group to go,” paliwanag ni Sobejana.
Binigyang-diin rin ni Sobejana na kaniyang sisiguraduhin na kontrolado nila ang maritime domain at palalakasin ang pwersa sa mainland.
Naka-standby ang mga air assets para magbigay ng closed air support sa gagawin nilang air operations.
Naniniwala ang heneral na sa tulong ng komunidad hindi malayong matuldukan na paghahasik ng karahasan ng teroristang grupo.
“We have to dominate control over the maritime domain, we have to beef up our forces in the mainland and we have air assets to, for air operations, close air support and so on, tapos. of course gaganda yung stakeholders engagement natin, and with the issuance of EO 70 that calls for whole of the nation approach so everybody should be involved, emphasizing to them that this war is the war between the residents, the Tausugs against the terror group, only that the armed forces takes the lead,” ani Sobejana.