-- Advertisements --
ROXAS CITY – Hindi nakaligtas sa kamatayan ang 69-anyos na lalaki, matapos makuryente–patay sa Barangay Mianay, Sigma Capiz.
Sa impormasyon na nakuha ng Bombo Radyo sa BFP-Sigma, ang nasabing biktima ang residente ng Brgy. Poblacion Sur sa naturang bayan.
Nabatid na papunta sana ito sa water pump upang tingnan ang suplay ng tubig subalit dahil mabasa ang daan aksidente itong nadulas at nakahawak sa wire dahilan ng kanyang pagkakuryente.
Sinubukan pa itong dalhin sa Mambusao District Hospital upang gamutin subalit idineklarar na dead on arrival ng doctor.
Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad dahil sa insidente habang nasa punerarya na ang bangkay ng nasabing biktima.