-- Advertisements --

Isang 69-year old na fashion designer ang kalahok sa opisyal na kandidata ng Miss Universe Philippines – Quezon City. 

Kinilala ang senior citizen na si Jocelyn Cubales na nauna ng sumali sa Mrs. Universe noong 2017 kung saan pinarangalan siya bilang Mother of the Universe dahil sa adbokasiya at pagkakawang-gawa nito para sa ikabubuti ng mga bata at kababaihan.

Naniniwala si Cubales na maraming matututuhan sa kanyang karanasan ang mga kabataan lalo na pagdating sa tapang at lakas ng loob.

Ayon sa asawa nitong si Marc Cubales, gustong sumali ng kanyang misis para makapagbigay inspirasyon sa mga babae na tuparin ang kanilang mga pangarap. Inilarawan niya pa ito na woman of honor and dignity. 

Aniya, ang tapat at mapagmalasakit nitong puso ang dahilan kung bakit karapat-dapat nitong mairepresenta ang Pilipinas sa Miss Universe. 

Nakatakdang ganapin ang Miss Universe Philippines – Quezon City sa February . Sakaling manalo, siya ang magiging opisyal na kandidata ng siyudad sa national pageant ng Miss Universe. 

Matatandaan na inalis na ng Miss Universe Organization ang age limit ng mga pwedeng sumali sa patimpalak.