-- Advertisements --

Bahagyang mas mataas ngayon ang bagong naitalang kinapitan ng COVID-19 kumpara nitong weekend matapos na iulat ng Department of Health (DOH) ang 6,943 na karagdagang kaso.

Dahil dito sa kabuuan nasa 2,727,286 na ang mga nahawa sa virus sa Pilipinas mula noong nakaraang taon.

Marami naman ang naitalang bagong gumaling na umaabot sa 19,687.

Ang mga nakarekober sa bansa ay nasa 2,617,693 na.

Ang mga aktibong kaso ngayon na mga pasyente na nagpapagaling pa ay nasa 68,832.

Samantala meron namang bagong nasawi na umaabot sa 86.

Mas mababa ang naturang bilang ng fatalities kumpara sa nakalipas na Linggo.

Ang death toll sa bansa mula noong nakaraang taon ay nasa 40,761 na.

Mayroong dalawang laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Samantala, ang DOH patuloy ang paalala sa publiko na wag magkampante kahit naibaba na sa Alert Level 3 ang Metro Manila at nabawasan na rin ang bilang ng mga nasa ilalim ng granular lockdown.

“Bagama’t bumababa ang mga kaso ng COVID-19 na naiiuulat nitong mga nakaraang araw, hindi dapat tayo maging kampante. Bagkus, ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at agad na magpabakuna,” bahagi pa ng paala ng DOH.