-- Advertisements --

COTABATO CITY – Nasa Red Alert Status na ang antas ng seguridad na ipinapatupad ng mga sundalo sa Central at South Central Mindanao, alinsunod sa pagkakalagay dito ni Major General Alex Rillera, ang komander ng 6th Infantry Kampilan Division at Joint Task Force Central.

Sa naging pahayag ni Maj. Gen Rillera, sinabi nito na ang pagkakataon upang makatulong sa mamamayan na maisakatuparan nila ang maayos at may katapatan at maingat na halalan. Ayon din sa opisyal, napakahalagang kaganapan din ito sa rehiyon ng bangsamoro sapagkat buong mundo maliban sa mga kapwa natin pilipino ang nakatutok sa naturang halalan na gagawin sa lunes at umaasa din ang opisyal na magiging matagumpay ang halalan sa rehiyon dahil ang tagumpay ng bangsamoro ay tagumpay ng buong bansa.

Ayon din kay Rillera, ang pagkalalagay sa red alert status ng buong Central at South Central Mindanao ay magsisilbing pagpapakita sa buong mundo na kayang makipagsabayan ng Mindanao sa pagbabago at kaunlaran dahil sa patuloy na pagtamasa ng katahimikan ng nasabing rehiyon.

Ang idineklarang Red Alert Status ng Kampilan ay magsisilbing hudyat sa publiko na magiging mas mataas ang antas ng seguridad sa mga rehiyon na sakop ng Central at South Central Mindanao.