(Update) Binulabog ng magnitude 7.1 na lindol ang malaking bahagi ng Japan ngayong Sabado ng gabi.
Ayon sa Japan Meteorological Agency (JMA), naitala ang epicenter nito sa Fukushima-ken Oki na may lalim na 60 km.
Sa dagat tumama ang lindol na ito.
Bagama’t malakas ang lindol na nagpauga sa mga gusali sa Tokyo, wala namang naiulat na malaking pinsala at hindi rin naglabas ng tsunami warning ang JMA.
Wala ring napaulat na iregularidad sa Tokaimura nuclear facility.
Ang lindol ay naganap ilang linggo bago ang 10-taong anibersaryo ng napakalakas na lindol na tumama noong Mayo 2011 na naramdaman sa hilagang-silangang bahagi ng Japan.
Naging sanhi ito ng malaking tsunami at nagdulot ng pinakamalalang nuclear crisis makalipas ang maraming taon. (Reuters)