NEW DELHI – Aabot sa 7.4 kilograms na kidney ang natanggal ng mga manggagamot sa isang pasyente sa India.
Ayon kay Sachin Kathuria, kabilang sa surgical team, natuklasang may life-threatening genetic condition ang biktima kaya kinailangang alisin ang naturang internal organ.
Ang 56-anyos na may giant kidney ay inoperahan sa Sir Ganga Ram Hospital sa Delhi.
Sinasabing nahigitan pa ng natanggal na bato ang recorded largest kidney sa Guinness Book of Records dahil 4.25 kilograms lamang iyon na naalis sa pamamagitan ng operasyon sa Dubai noong 2017.
Pero sa hiwalay na data ng New Delhi hospital, mayroon na raw silang naging pasyente na mayroong siyam na kilong bigat ng nasabing internal organ.
Ang normal na laki lamang ng human kidney ay tumitimbang dapat ng 120 hanggang 150 grams at may laking 12 centimeters. (AFP)