-- Advertisements --
GENERAL SANTOS CITY – Aabot sa 7.5 million kilong bigas ang inaasahan na darating dito sa lungsod para ipamahagi sa mga residente.
Ayon kay GenSan Mayor Ronnel Rivera, nasa Cebu pa ang nasabing bigas na hinihintay na dumating sa lungsod.
Agad namang ipamimigay sa mga residente ang naturang bigas pagkatapos na mai-unload mula sa 288 container van.
Ayon sa alkalde inaprubahan ng Sangguniang Panglungsod ng GenSan ang pamimigay ng tig-isang sakong bigas bawat pamilya.
Naging dahilan ang pagkaantala sa pamimigay ng mga relief goods tulad ng bigas dahil umano sa kakulangan ng supply.