-- Advertisements --

Hindi tsamba para kay House Ways and Means Chairman at Albay Representative Joey Salceda ang naitalang 7.6% GDP growth sa 3rd Quarter ng bansa.

Sinabi ni Salceda ang unang GDP report ng Marcos administration ay patunay na lumalakas ang ekonomiya ng bansa.

Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nakapagtala ng record-high growth sa Gross Domestic Product (GDP) ang ating bansa para sa 3rd quarter ng taon.

Paliwanag ni Salceda na nahigitan pa nito ang napagkaisahang projection ng mga ekonomista na nasa 6.2% lamang, at ang kanyang sariling opisina na nasa 7.5%. Dagdag pa ni Congressman mula Albay, tanging ang Ateneo De Manila University ang may malapit-lapit na growth projection na sa 7.7%.

Pagbibigay-diin ng ekonomistang mambabatas, na “for real” ang 3rd quarter economic growth sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Hirit pa ng Kongresista na nagpapakita pa ito ng pambihirang lakas kahit pa maraming hamon ang dumarating.

Ayon kay Salceda ang key driver sa growth recovery ngayong third quarter ay ang government spending, kung saan nakapagtala ito ng positive 6.7 percent growth year-on-year, versus negative 7.1 percent nuong nakaraang taon.

Kaya mahalaga na masustene ang government spending.

Binigyang-diin rin ni Salceda na kailangang palakasin o buhusan ng suporta ang agriculture sector sa kabila ng naitalang 7.1% GDP