-- Advertisements --

Tinatarget ngayon ng Department of Tourism na maabot ang nasa 7.7-million na mga foreign visitors para sa arrival goal nito para sa susunod na taong 2024.

Ayon kay DOT Secretary Christina Frasco, ay pumalo na sa kabuuang 5,069,752 na international visitors mula pa noong buwan ng Enero ng taong kasalukuyan.

Aniya, ito ay nagpapakita lamang ng isang remarkable resilience ngayong taon sa kabila ng pagiging isa sa mga huling bansa sa Southeast Asia na magbukas muli ng turismo matapos ang pandemic.

Sabi ni Frasco, sisikapin nila ang lahat para makamit ang naturang target foreign tourist arrival sa susunod na taon para na rin sa layuning ma-fully activate na muli ang convergences ng bansa kasama ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.

Ang naturang target ng DOT ay malapit na sa pre-pandemic numbers ng foreign visitors na naitatala sa bansa noong taong 2019.