-- Advertisements --

Patay ang pitong taong gulang na batang babae habang walong iba pa ang sugatan matapos na sila ay pagsasaksakin sa isang elementary schol sa Zagreb, Croatia.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad , na pinasok ng isang 19-anyos na suspek ang first-grade classroom ng Precko Elementary School.

Unang inatake nito ang guro at ilang mga mag-aaral gamit ang kutsilyo.

Ilan sa mga biktimang guro ang kritikal ang kalagayan kaya patuloy ang pagpapagaling nila sa mga pagamutan.

Hawak na ng mga kapulisan ang suspek matapos na maaresto ang mga ito.

Labis na nagulat si Croatian Prime Minister Andrej Plenkovic ang insidente kung saan tiniyak niya ang tulong sa mga biktima.