-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Hawak na ngayon ng pulisya ang suspek na gumahasa at pumatay sa 7 anyos na bata sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Julaina Balacayo na residente ng Sitio Tuburan Barangay Mahongkog Magpet Cotabato.

Ayon sa ulat ng Magpet PNP na natagpuan ang bangkay ng bata sa masukal na bahagi ng Barangay Mahongkog na tinabunan ng mga tuyong dahon.

May sugat ang bata na posibling sinaksak,hubot-hubad at nakapulupot naman ang damit nito sa leeg nang matagpuan.

Bago ginahasa at pinatay ang bata ay magkasama sila ng kanyang kapatid di kalayuan sa kanilang tahanan.

Inutusan ng isang lalaki ang kapatid ng biktima na bumili sa tindahan ngunit nang bumalik ito ay wala na ang bata at kanyang kasama.

Dayo lamang ang suspek sa Barangay Mahongkog at naaresto ng mga opisyal ng barangay.

Sa ngayon ay nakapiit na ang suspek sa costudial facility ng Magpet PNP at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.