7 YRS. OLD GRADE 1 PUPIL NA MISSING NG ILANG ARAW NATAGPUAN NA; HINALAY BAGO PINATAY AT ISINILID SA SAKO SA GENSAN
GENERAL SANTOS CITY – May tatlong person of interest na ang mga otoridad sa pagpaslang sa isang 7 taong gulang na natagpuan ang bangkay sa Purok Malinawon, Barangay Conel, General Santos City.
Kinilala ni PMajor Robert B. Fores, Chief of Police ng Mabuhay Police Station, ang biktima na si Princess Arian Cabucos, isang Grade1 student na residente sa nabanggit na lugar.
Ang biktima ay naiulat na missing noong March 10, 2024 at kahapon ay natagpuang isinilid sa sako na walang saplot at nasa state of decomposition sa damuhang parte ng isang bakanteng lupa sa nabanggit na lugar.
Sa patuloy na pagsisiyasat ng pulisya tinanggal na person of interest ang ama ng biktima nang malaman na nagtatago ito dahil may pending warrant of arrest sa kasong rape matapos ginahasa ang sariling anak na si Princess.
Tinanggal na rin na person of interest ang tiyuhin ng biktima dahil walang testigo na makapagtuturo dito na may kinalaman ito sa krimen.
Sa development ng kaso, nadiskubre ng pulisya sa bahay ng isang 74 taong gulang na lalaki na nakilala na si Ermilendo Sajul Sajulga, na kapitbahay naman ng biktima, ang dalawang kutsilyo na binalot ng duguang damit.
Nalaman na na autopsy na ng National Bureau of Investigation Medico Legal Dr Ricardo Rodaje ang bangkay ng biktima at lumabas na ni Rape ito bago pinatay.