-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Nagpapatuloy ang isinasagawang retrieval operation ng lokal na pamahalaan ng Kabacan Cotabato katuwang ang Provincial DRRM, Carmen DRRM, BFP Responders at Kabacan Incident Quick Response Team sa Sitio Lumayong Brgy. Kayaga.
Batay sa paunang detalye, unang tumawag ang mga residente sa tanggapan ng MDRRM Kabacan upang ireport ang pangyayari.
Sa report, isang batang babaeng edad 7 years old ang umanoy nalunod.
Sa ngayon ay patuloy parin ang tanggapan at mga responders sa pagsasagawa ng search and retrieval operation.