-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Binawian ng buhay ang isang bata ng aksidenteng mabaril ang sarili sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang nasawi na si Joshua Met Tenorio, 7, residente ng Sitio Bagung Barangay, Kabengi, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur.
Ayon kay Datu Saudi Ampatuan IP mandatory Representative Bello Jovel Tenorio na pinaglalaruan umano ng biktima ang isang baril at aksidenteng pumutok.
Naisugod pa sa pagamutan ang bata ngunit hindi na ito umabot pa ng buhay.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Datu Saudi Ampatuan PNP sa naturang pangyayari.