-- Advertisements --
image 523

Ikinakasa ngayon ng ilang transport group ang isang linggong tigil pasada o pitong araw sa buwan ng Marso asais- hanggang a-dose para sa mga UV express at mga traditional jeepney sa bansa.

Ito pa rin ay bilang pagtutol sa inilabas ng Land transportation franchising and regulatory Board na memorandum circular 2023-013 sa Public Utility Vehicle Modernization program na hanggang Hunyo a-trenta na lamang.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Philippines sa transport group na Manibela na si Chairman Mar Balvuena, aniya ang dahilan
umano ng gagawin nilang transport strike ay para mapansin at makita pa sila ng pamahalaan, kung ano nga ba ang kahalagahan ng mga sasakyan sa bansa. Sakripisyo rin umano ito sa mga driver na hindi papasada sa ilang araw gaya na lamang ng hindi pagpapasada sa gitna ng pandemya.

Nanawagan rin ang grupo sa pamahalaan na sana’y pagbigyan ang hiling na limang taon pa bago ipatupad ang Public Utility Vehicle Modernization program at sana’y mapakinggan sila hinggil sa iprenisinta nilang disenyo ng Jeepney na pasok naman sa standards at mas mura pa sa gagastusin sa nasabing programa.

Sa ngayon, patuloy ang pakikipaglaban ng mga transport group hinggil pa rin sa modernization program na inilabas ng LTFRB at ang patuloy na banta ng transporst strike sa buong bansa.