-- Advertisements --

Inihahanda na ng Muntinlupa City PNP ang kaso laban sa pitong katao na naaktuhan nagsasagawa ng iligal na sabong ng mga manok.

Ayon sa Southern Police District, agad nilang nirespondehan ang impormasyong ipinarating sa kanila at doon naaktuhang ang pitong kalalakihan na nagsasagawa ng tupada.

Pawang mga residente ng Sitio Lambunao at Excess Lot Soldiers Hills sa Putatan ng nasabing lungsod ang mga naarestong suspek.

Bukod sa 2 panabong na manok ay nakuha rin sa mga naaresto ang cash na aabot sa P1,050.