-- Advertisements --
Sa kulungan ang bagsak ng pitong katao na naaresto matapos salakayin ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang pinaghihinalaang drug den malapit sa barangay hall ng Brgy. Barrio Obrero sa Tondo, Maynila.
Ayon sa PDEA, tatlong linggo nilang minanmanan ang lugar na sinasabing dinudumog ng mga driver na gustong magsugal at gumamit ng iligal na droga.
Nasabat mula sa mga suspek ang nasa P100,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu.
Pero giit ng mga suspek, nagsusugal at gumagamit sila ng iligal na droga ngunit hindi raw sila mga tulak.