-- Advertisements --
dawlah

Patay ang pitong ASG kidnappers sa isinagawang operasyon ng Joint Task Force (JTF) Sulu kaninang alas-2:15 ng madaling araw.

Ito ay matapos ma-intercept ng mga sundalo ang isang twin engine speedboat lulan ang pitong ASG kidnappers sa may Sulu sea malapit sa Sulare island, Parang Sulu.

Iniulat ni JTF-Sulu commander M/Gen William Gonzales, inilunsad ang operasyon gamit ang isang Augusta attack helicopter ng Philippine Air Force at ang Multi-Purpose Attack Craft (MPAC) ng Philippine Navy kung saan sakay ang mga tropa ng Philippine Army Scout Rangers at Special Forces.

Tumagal umano ng 25 minuto ang sagupaan sa pagitan ng mga sundalo at teroristang Abu Sayyaf.

Sinabi ni Gonzales na batay sa ulat ng mga tropa, patay sa nasabing operasyon si Madsmar Sawadjaan, kapatid ng bomber na si Mundi Sawadjaan.

Patay din isang Mannul Sawadjaan @Abu Amara na una nang napaulat na papalit kay ASG senior leader Hatib Hajan Sawadjaan bilang emir, at lima pang ibang Abu Sayyaf members.

Ayon pa kay Gonzales, ongoing pa ang retrieval operations sa lumubog na speed boat at cadavers ng mga napatay na mga bandido.

Sinabi naman ni Wesmincom commander, Lt. Gen. Corleto Vinluan, target ng nasabing grupo na maglunsad ng kidnapping activities sa mainland Mindanao.