-- Advertisements --
Umabot sa pitong discrete ash emission events ang naitala sa Mt. Kanlaon sa nakalipas na magdamag.
Ayon sa Phivolcs, ang naturang pangyayari ay nagdulot ng kulay abong plumes na may taas na nasa 100-200 meters mula sa ibabaw ng crater.
Nakita ito sa pamamagitan ng Kanlaon Volcano Observatory na nasa Canlaon City.
Dahil dito, nananatili ang bulkan sa Alert Level 3, ngunit posibleng maitaas pa kung lulubha ang mga abnormalidad.
Itinuturing pa rin itong mapanganib, kaya hindi pinapayagan ang mga residente na bumalik sa danger zone o lugar sa paanan ng bulkan.