-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Itinakda sa linggo, Abril a-7, 2024 ang pag-euthanize sa pitong mga aso sa Cabadbaran City, Agusan Del Norte na nahuli at walang mag-claim na may-ari.
Ayon kay Roselyn Exaure, tagapagsalita sa Cabadbaran City Government na noon pang 2013 nag-implement ang lungsod sa ordinance number 2013-032 na ang basehan ay ang Anti-Rabies Act of 2007.
Base sa ordinansa, tatlong araw lang matapos mahuli ang aso ay maaari na itong e-euthanize ngunit pinahaba ito sa pitong araw.
Upang hindi ma-euthanize, kailangang e-claim ito sa may-ari at bayaran ang penalty na 100 pesos bawat araw na nasa impounding area o kaya sa pamamagitan ng adoption.
Ngunit ang pinaka-mensahe umano nito ay ang pagka-responsible pet owner.