BAGUIO CITY-Nakapasa sa validation ng Technical Working Group ng Benguet Provincial Mining Regulatory Board (PMRB) ang pitong asosasyon ng mga Small Scale Miners (SSM) sa bayan ng Itogon para mabigyan sila ng temporary permit-to-operate.
Kabilang sa mga asosasyon ang Young Gold Tokmo Binatangan, Tirad Tuding, UICLA-Ucab, Acuccla, Chosol, Camp 5, Acupan at Camp Balingway Sangilo Small Scale Miners Association.
Naisagawa ang validation sa pamamagitan ng mga kasapi ng technical working group ng PMRB sa unang kwarter ng taon mula sa mahigit 20 aplikasyon.
Ang validation sa mga minahan at grupo ng minero ay bahagi ng proseso na sinusunod ng PMRB para mabigyan ng temporary permit-to-operate ang mga SSM habang hinihintay ang pag-abropa sa Minahang Bayan.