-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nakapagtala ang Caraga Region ng pinakamataas na death toll dahil sa COVID-19 matapos umabot sa pito ang mga bagong patay habang 177 naman ang mga bagong kaso kungsaan 173 ang naka-isolate at 43 ang mga bagong nakarekober.

Dahil dito’y umabot na sa 13,240 ang cumulative COVID-19 cases nitong rehiyon kungsaan 2,270 sa kanila ang naka-isolate; 10,551 naman ang nakarekober at 419 na ang kabuu-ang patay.

Sa mga bagong kaso, pinakamarami ang naitala sa Agusan del Sur na umabot sa 60; Butuan City-47; Surigao del Sur-36; Agusan del Norte-11; Surigao City-7; Tandag City-5, tig-aapat sa Bayugan City at Surigao del Norte, Dinagat Islands-2 at isa sa Cabadbaran City.