-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nakapagtala ng pitong mga bagong patay dahil sa COVID-19 ang Caraga Region habang 170 naman ang mga bagong kaso na pareho nang naka-isolate at 31 iba pa ang mga bagong nakarekober.

Pinakamarami ang naitala sa Agusan del Sur na umabot sa 57 mga kaso, na sinundan ng 34 sa Surigao del Norte; 25 sa Butuan City; Surigao City-18; Surigao del Sur-11; Agusan del Norte-10; Bayugan City-7; Bislig City-3; tigdadalawang kaso sa Cabadbaran City at Dinagat Islands Province at isa sa Tandag City.

Dahil dito’y umabot na sa 11,187 ang cumulative COVID-19 cases nitong rehiyon kungsan 1,347 ang naka-isolate, 9,467 ang nakarekober at 373 na ang kabuuang patay.