-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Pitong kabahayan sa Purok 2 , Brgy. Lemon sa lungsod ng Butuan ang naabo sa sunog.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Kagawad Felipe na kasama sa nasunog ang bahay nina Belinda Avenido, Juliet Andayan, Ando Bermudez, Jelo Generalao, Jimmy Monggaya at Alden Ayuban.
Nagsimula ang apoy sa pamamahay ni Belinda Avenido at dahil sa sobrang bilis ng pangyayari ay tanging TV lang at iilang damit ang nakuha ng barangay kagawad.
Ayon kay Kagawad Felipe, may tao sa bahay ng mga Avenido ngunit wala pa siyang alam kung bakit sobrang bilis ang pagkalat ng apoy habang inalam pa kung saan ito nagsimula.
Wala namang nasugtan sa nasabing pangyayari.