-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Patuloy pang inalam ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) Butuan ang kabuuang danyos matapos maabo sa sunog ang 7 kabahayan ng tanghali sa may Purok 3, Brgy. Ampayon nitong lungsod.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni fire investigator SFO3 Ben Delotero na kanila pang pinapa-finalize ang kanilang report lalo na ang mga nasunugan ng tahanan at kungsaan nagsimula ang apoy.

Sa kanilang inisyal na imbestigasyon, kasama sa nmga nasunugan ay sina Charlita Bajao, Diday Mantisa, Alan Nazareno, pamilyang Mancao at de Castro habang ina-identify pa ang iba sa kanila.

Natanggap umano nila ang fire call pasado alas-12:30 kaninang tanghalilo na agad namang nirespondihan ng dalawang mga fire trucks hanggang sa nagdatingan na ang iba pang mga fire trucks nitong lungsod.