-- Advertisements --

DAVAO CITY – Natupok ang pitong bahay matapos sumiklab ang sunog kaninang umaga sa Purok 4 A, Brgy 23-C, Davao City.

Sa ulat ng BFP Davao City Fire District, nagsimula ang sunog sa tahanan ni Sammy Abdulsalam at mabilis na kumalat sa mga kapitbahayan na umabot sa second alarm.

Gayunman, sinabi ng BFP na walang natalang namatay, ngunit may iilan ang nasugatan dahil sa insidente.

Idineklara itong fire-out pasado alas-11:00 kaninang hapon.

Tinatayang aabot sa P105,000 ang pinsala ng sunog na nakaapekto sa walong pamilya.

Ayon sa kagawaran ng bumbero, linya ng kuryente sa loob ng bahay ang sanhi ng sunog.