-- Advertisements --

Inilikas ang mahigit 20 residente ng pitong bahay sa Isla Puting Bato sa Tondo, Manila, matapos pumasok ang malalaking alon kanina.

Nangyari ito sa kasagsagan ng malakas na ulang dala ng habagat.

Ayon sa mga residente, sunod-sunod ang naging pagdating ng mga alon at pagkatapos ay nahatak na ang mga bahay sa pagbalik sa dagat ng tubig.

Sa kasalukuyan, nananatili muna sa covered court ang mga naapektuhang pamilya ng naturang pangyayari.