-- Advertisements --
image 555

Laglag na ang pitong mga bansa sa 2nd elimination round ng FIBA Basketball World Cup 2023.

Ito ay apat na araw lamang mula nang opisyal na magsimula ang FIBA Basketball World Cup 2023.

Kinabibilangan ito ng mga bansang France(5), Finland(24), Lebanon(42), Egypt(55), Iran(20), Jordan(34) at ang bansang Mexico(31).

Ang mga naturang bansa ay bigong makakuha ng mga panalo sa kani-kanilang mga grupo, at agad natanggal sa kanilang ikalawang laban.

Bagaman sa ngayon ay may natitira pang tig-isang panalo ang pitong mga nabanggit na bansa, wala na ring magiging bigat ang resulta na mga naturang laban.