7 Barangay Chairman nagsuko ng mga loose firearms sa militar sa Carmen Cotabato
CENTRAL MINDANAO-Isinuko ng pitong mga Barangay Kapitan ang mga matataas na uri ng armas sa militar sa probinsya ng Cotabato.
Ayon kay 602nd Brigade Commander Colonel Jovencio Gonzales na isinuko sa tropa ng 90th Infantry Battalion Philippine Army ang mga loose firearms mula sa pitong Barangay Chairman sa bayan ng Carmen Cotabato.
Ang mga armas ay kinabibilangan ng limang Caliber .30 M1 Garand Rifles,dalawang US-Caliber .30 carbine rifles,mga bala at magasin.
Isinuko mismo nina Barangay Kapitan Jimmy Cabrillo ng Brgy Kibudtungan, Percival Bacudo ng Aroman, Reynaldo Camique ng Tonganon, Acob Guiamilil ng Palanggalan, Ronald Akmad ng Kibenes, Robert Baguat ng Ranzo at Pepito Calibara ng Barangay Tacupan Carmen ang mga armas.
Ang mga armas ay pormal na tinanggap nina Colonel Gonzales at Carmen Mayor Moises Arendain.
Sinabi ni 90th IB Commander Lieutenant Colonel Rommel Mundala na ang pagsuko ng mga armas ng pitong mga Brgy Chairman ay bahagi ng kanilang pinaigting na kampanya kontra loose firearms.
Nilinaw ni Kapitan Cabrillo na ang kanilang desisyon sa pagsuko ng mga armas ay bahagi ng kanilang suporta sa military govenrment’s disarmament program.
Pinuri naman ni 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major General Juvymax Uy,ang 602nd Infantry Brigade kasama ang 90th Infantry Battalion sa matagumpay na kooperasyon nito sa mga lokal na opisyal sa bayan ng Carmen sa “balik baril program.