BAGUIO CITY – Idineklarang red zone ang pitong barangay sa Benguet na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF).
Naglabas ng executive order si Benguet Governor Melchor Diclas para sa pagdeklara ng red zone at green zone sa lalawigan.
Kabilang sa mga naideklarang red zone ang Camp 4, Taloy Sur at Camp 1 sa Tuba, Benguet; Beckel sa La Trinidad; Loakan at Tinongdan sa Itogon at ang Poblacion sa Kabayan.
Nakasaad sa utos ng gobernador na hindi maaaring mailabas sa ibang lugar ang mga baboy na manggagaling sa mga naideklarang red zone.
Paliwanag ng opisiyal na ito ay isang pamamaraan para maiwasan ang pagkalat ng ASF pagkatapos magpositibo sa virus ang apat na bayan sa Benguet.
Maaalalang isinailalim na sa state of camality ang Barangay Beckel, La Trinidad, Benguet dahil sa tindi ng epekto ng ASF.