GENERAL SANTOS CITY – Ilang mga lugar dito sa lungsod ang nakaranas ng pagbaha dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan kagabi.
Ayon kay Dr. Bong Dacera, City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO)Head, kabilang sa mga apektadong barangay ang Apopong, Mabuhay, San Isidro, City Heights, Lagao, Baluan at Bula.
Inilikas ang ilang mga pamilya sa Purok Mauswagon, Brgy. Apopong kung saan ang mga ito ay temporaryong nakikituloy ngayon sa kanilang mga kamag-anak.
Inihayag ni Dr. Dacera na walay injireport na nasugatan o nasawi dahil sa pagbaha.
Subalit naranasan ang brownout sa ilang lugar ngunit kaagad namang bumalik.
Dagdag pa nito na lahat ng kalsada at tulay sa lungsod ang passable.
Nagpapatuloy ang assessment sa danyos sa infrastructure at agriculture sektor dulot ng pagbaha.
Sa advisory na inilabas ng Pagasa na apektado ng localized thunderstorms ang Mindanao na dahilan ng mga pag-ulan.