KORONADAL CITY – Nasa pitong mga barangay sa lalawigan ng South Cotabato ang tinututukan sa ngayon ng pulisya at itinuturing na areas of concern sa darating na eleksiyon dahil sa presensiya umano ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA).
Ayon kay Police Col. Cydric Earl Tamayo, provincial director ng South Cotabato, ang nasabing mga barangay ay kinabibilangan ng Barangay.Klubi,Barangay.Tasiman,Barangay.Takunel, Barangay.Lamlahak at Barangay.Ned sa bayan ng Lake Sebu habang Barangay Lamba at Lambingi naman sa bayan ng Banga.
Maliban dito, tinututukan din sa ngayon ang iba pang mga barangay sa probinsiya na posibleng pinagtataguan ng mga rebelde.
Dahil nasa areas of immediate concerns ang nabanggit na mga barangay dodoblehin pa ng pulisya at monitoring laban sa nabanggit na grupo.
Sa ngayon, wala pa namang mga kandidato sa ibat-ibang posisyon sa barangay ang humihingi ng karagdagang seguridad para sa kanilang kaligtasan.
Ipinasiguro naman ng opisyal na nakatutok ang kapulisan kasama ang mga sundalo sa mga lugar na may presensiya ng mga rebelde upang maging payapa ang darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Election.