-- Advertisements --
Maguindanao BIFF AFP arms surrendered
Arms recovered in Maguindanao AFP operations (file photo AFP)

CENTRAL MINDANAO – Sugatan ang pitong mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa pagsabog sa Maguindanao.

Ayon kay Kumander George Kasim ng base guard ng National Guard Division ng MILF, nagpapatrolya umano sila laban sa BIFF-ISIS inspired group sa Sitio Mapagkaya, Brgy Dasawao, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao nang bigla silang masabugan ng improvised explosive device (IED).

Dahil sa lakas nang pagsabog, pitong mga miyembro ng MILF Task Force Itihad ang nasugatan.

Ang mga sugatan ay agad dinala sa isang pagamutan sa Datu Piang, Maguindanao ngunit agad inilipat sa isang malaking ospital sa Cotabato City.

Bago ang pagsabog ay nakubkob ng MILF ang kampo ng BIFF sa bayan ng Shariff Saydona Mustapha.

Sa ngayon ay patuloy na tumutulong ang MILF sa pagtugis sa mga terorista sa Maguindanao at bahagi ng North Cotabato.