CENTRAL MINDANAO-Sumuko sa tropa ng militar ang pitong mga myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa lalawigan ng Maguindanao.
Ang mga terorista ay mga tauhan ni Kumander Ustadz Karialan ng BIFF Karialan faction.
Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major/General Juvymax Uy na pitong mga myembro ng BIFF ang sumuko sa 2nd Mechanized Infantry Battalion Philippine Army sa Barangay Midtimbang Datu Anggal Midtimbang Maguindanao.
Isinuko ng mga rebelde ang isang 60mm mortar, isang caliber.50 sniper rifle, 1 Garand rifle, 1 M14 rifle, isang M16 armalite rifle,mga bala at magazine.
Sumuko ang pitong BIFF sa pagtutulungan ng lokal na pamahalaan sa bayan ng Datu Anggal Midtimbang sa pamumuno ni Mayor Midpantao Midtimbang Jr ,Joint Task Force Central sa pangunguna ni 2nd Mechanized Battalion Commander Lieutenant Colonel Omar Orozco.
Pormal na tinanggap nina Brigadier General Jose Narciso, assistant Division Commander ng 6ID, Colonel Pedro Balisi ng 1st Mechanized Brigade ng Armor Division at Mayor Midpantao Midtimbang Jr ang mga sumukong BIFF.
Sinabi ni alyas Thong isa sa mga sumukong BIFF na nais na nilang magbagong buhay at mamuhay ng mapayapa.
Umaabot na sa 78 na BIFF ang sumuko sa 6th ID at Joint Task Force Central mula nang umupo sa pwesto si MGen Uy simula noong September 7,2020.
Pinuri naman ni Uy ang LGU-Datu Anggal Midtimbang at 2nd Mechanized Bn sa matagumpay na pagsuko ng ptong BIFF.
Hinikayat ni MGen Uy ang ibang BIFF at mga Armed Lawless Groups (ALGs) na laging bukas ang Joint Task Force Central sa mapayapa nilang pagsuko.