-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Umaabot sa pitong mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang sumuko sa militar sa lalawigan ng Maguindanao.

Tapat 2
BIFF na sumuko

Nakilala ang mga rebelde na sina Kumander Naot Palaguyan, Akbal Abpi, Jimmy Angkana, Nguda Sangkina, Tato Tio, Aries Abdul at Danga Pindaliday,mga tauhan Kumander Bungos.

Sinuko ng grupo ni Kumander Naot sa tropa ng 7th Infantry (Tapat) Battalion Philippine Army sa Brgy Midtimbang Datu Anggal Midtimbang Maguindanao ang isang homemade caliber.50 barret sniper rifle, 1 homemade garand rifle, 1 homemade thomson, isang 12 guage shotgun, isang homemade Uzi at mga bala.

Gusto ng mamuhay ng mapayapa ng pitong BIFF kasama ang kanilang pamilya kaya nagbalik loob ito sa gobyerno.

Nagkaloob naman ng tulong na pinansyal at livelihood assistance sa mga rebelde ang LGU-Datu Anggal Midtimbang.

Nagpasalamat naman si 6th Infantry (Kampilan) Division Chief,Major General Diosdado Carreon sa mga lokal opisyal sa bayan ng Datu Anggal Midtimbang na tumulong sa negosasyon sa pagsuko ng pitong BIFF.