DAVAO CITY – Pitong mga barangay ng lungsod ng Dabaw ang isinailalim ngayon sa classification bilang very high risk areas matapos patuloy magtala ng matataas na bilang ng kaso ng COVID-19.
Ang naturang mga barangay ay kinabibilangan ng 21-C, 23-C, Bucana, Buhangin Proper, Cabantian, Leon Garcia at Talomo Proper kung saan halos araw-araw nagkakaroon ng positive cases ng COVID.
Batay sa inilabas na urgent public advisory ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Dabaw, dapat umanong iwasan ang pagpunta sa mga barangay na isinailalim sa Very High Risk, High Risk at Moderate Risk classifications.
Samantala, maliban sa naturang pitong mga barangay na nasa very high risk classification, 21 naman ang nasa high risk at 50 mga barangays naman ang nasa moderate risks.
Inihayag ni Davao City Mayor Sara Duterte Carpio, batay sa pinakahuling record ng Southern Philippine Medical Center, ang lungsod ng Dabaw ay mayroong 206 total number of COVID positive patients, kung saan 87 nito ang active cases, 94 ang recovered at 25 naman ang namatay.