Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation ang pitong Chinese nationals na umano’y sangkot sa credit card fraud .
Ayon sa mga ahente ng NBI, nagtangka pa itong manuhol sa kanilang mga tauhan.
Kinilala ang mga suspect na sina Sun Jie, Lee Ching Ho, Jenny Pan, Zhao Zheng, Dong Jangua, Yuan Bien at Shap Wen Hu.
Sinabi ni NBI Dir. Jaime Santiago sa mga kawani ng media na ang mga ito ay naaresto matapos ang isinagawang magkasunod na entrapment operations sa lungsod ng Quezon at Paranaque.
Unang naaresto noong Hulyo 27 sina Sun Jie at Lee Ching Ho at ang lima pang indibidwal matapos itong manuhol ng P1.5 milyon sa NBI para palayain ang kanilang boss.
Nakuha sa kanilang pag-iingat ang ilang baril at bala, magazine pati na ang ilang military grade smoke grenade.
Sinasabing ang mga ito ay bahagi ng transnational organized group na sa Pilipinas nag papatakbo ng kanilang mga modus.
Kabilang na dito ang vishing, smishing, phishing, at click-baiting.
Nahaharap sina Sun Jie at Lee Ching Ho ngayon sa mga kasong paglabag sa RA No. 11449 o Access Devices Regulation Act at Article 212 of the Revised Penal Code o Corruption of Public Officials.
Kasong paglabag naman sa Article 212 ng the Revised Penal Code at RA No. 10591 o Comprehensive Firearm and Ammunition Act ang kinakaharap ng lima pang suspect na naaresto