DAVAO CITY – Pitong mga classrooms ng isang public school dito sa lungsod ang apektado sa malaking sunog nitong madaling araw ng Huwebes kung saan 4 nito ay
totally damage habang tatlong iba pa ang partially damage.
Inihayag ni Teacher Sheila Marie Guisihan, nasunog rin ang lahat ng mga bag-ong produce nila na mga modules para sa kanilang mga estudyante, kasali na ang photo copier machine, 20 mga computer units, mga electric fan, ceiling fan, mga aklat at mga personal na gamit ng mga guro.
Maliban sa naturang paaralan, na-abo rin ang halos 63 mga kabahayan sa Purok Sto Nino, Brgy Leon Garcia, Agdao na katabi lamang ng naturang eskwelahan.
Nagtamo ng mga galos at pasa sa mukha at katawan ang suspect na si Roberto Mananlong, 44 taong gulang matapus gulopihin ng mga kapitbahay.
Inamin nito na sinadya nya ang sunog gamit ang bulak may gasolina at sinidihan ng lighter.
Sa ngayon inihanda na ng BFP ang kasong arson laban sa naturang suspect.