-- Advertisements --

Nahaharap na ngayon sa asunto ang pitong Court of Appeals associate justices matapos na pormal na maghain ng kaso ang Office of the Ombudsman kasama ang Judicial Integrity Board ng Korte Suprema.

Inakusahan ang mga naturang associate justices ng gross ignorance of the law and conduct prejudicial to the best interest of the service.

Kabilang sa mga sinampahan ng kaso ay sina Associate Justices Louis P. Acosta, Marlene B. Gonzales-Sison, Rex Bernardo L. Pascual, Mary Charlene V. Hernandez-Azura, Roberto P. Quiroz, Rafael Antonio M. Santos, at Ferdinand C. Baylon.

May kinalaman ang kasong ito sa kanilang naging desisyon na maglabas ng temporary restraining order noong Nobyembre ng nakalipas na taon.

Ang desisyon na ito ay pumigil sa pagpapatupad ng preventive suspension laban sa walong Sangguniang Panlalawigan member ng lalawigan ng Antique.

Sinusubukan pa ng Bombo Radyo team na makuha ang reaksyon ng mga akusado.