Patay ang pitong miyembro ng Komiteng Rehiyong Gitnang Luzon ng Communist Terrorist Group (CTG) matapos makasagupa ang mga sundalo mula sa 84th Infantry (Victorious) Battalion ng Philippine Army sa Brgy. Malbang, Pantabangan, Nueva Ecija kahapon ng hapon.
Ayon kay Lieutenant Colonel Jerald Reyes, Commanding Officer ng 84 Infantry Batallon, na nagsagawa sila ng hot pursuit operation sa Barangay Abuyo, Alfonso Castaneda, Nueva Vizcaya sa pamamagitan ng aerial operation na sinundan ng combat operations.
Sinabi ni Ltc. Reyes bilang resulta ng operasyon naka rekober ang mga sundalo ng mga sumusunod: 3 -M14 rifles, 6- M16 rifles, 1- M16 na mqy naka attached na M203 rifle, 1-low-powered firearm, subversive documents, at mga personal na kagamitan sa encounter site.
Ayon sa militar walang naiulat na casualty sa panig mga mga sundalo.
Sinabi ni Ltc. Reyes na Napigilan ng militqr ang planong maibalik ng CTG ang kanilang impluwensiya sa kumonidad gamit ang pananakot.
“Actually, hinabol namin ang mga ito galing Aurora to Nueva Vizcaya ngayon dito sa Nueva Ecija. Kaya naman po lubos ang aming pasalamat sa mga tao sa kanilang suporta sa mga kasundaluhan.”
Tinitiyak din po namin ang kaligtasan ng mamamayan ng Nueva Ecija laban sa banta ng mga teroristang grupo,” pahayag ni Lt. Col. Reyes.
Samantala pinuri ni Brigadier General Joseph Norwin D. Pasamonte PA, Commander ng 703rd Infantry (Agila) Brigade, Philippine Army, ang mga sundalo sa matagumpay na operasyon at pinasalamatan ang komunidad sa kanilang kooperasyon.
Nanawagan naman si BGen. Pasamonte sa mga CTG membere na sumuko na sa gobyerno at magbagong buhay.