BAGUIO CITY – Pinagpapaliwanag ang pitong mga establisyemento sa Baguio City matapos madiskubre na mas mataas ang presyo ng benta ng mga face shields kung ihahambing sa nakatakdang suggested retail price (SRP).
Ipinalabas ang letters of inquiry (LOI) nang madiskobre ang kanilang paglabag sa inspeksyon na isinagawa ng composite team ng Department of Health-Cordillera, Department of Trade and Industry-Cordillera at Baguio City Permits and Licensing Division sa mga stores na nagbebenta ng face shields.
Layunin ng inspeksyon na maipasigurong nasusunod ang SRP ng face shields sa lungsod.
Nakasaad sa LOI na kailangang magsumite ang mga nasabing establishimiyento ng explanation letter na naglalaman sa dahilan ng kanilang overpricing.
Mahaharap naman sa parusa ang sinumang patuloy na lalabag sa SRP.
Samantala, nakapag-comply naman ng 12 iba pang etablisyemento sa SRP na P26-P50.