-- Advertisements --

DAGUPAN CITY – Beberipikahin pa umano ang pitong foreign terrorists na namataan sa bahagi ng Mindanao.

Una rito, tinukoy ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na maaaring Egyptian, Malaysian, Indonesian at Singaporean, ang nationalities ng pitong foreign terrorists na kasalukuyang kasa-kasama ng Abu Sayyaf Group (ASG), Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), at Dawlah Islamiyah sa Western Mindanao.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan, inihayag ni National Security Adviser General Hermogenes Esperon Jr., na dati nang mayroong mga terorista silang namomonitor sa bahagi ng Mindanao at ang pitong nabanggit na foreign terrorists ay kanila pang bineberipika.

Bunsod nito ay plano ni Esperon na imungkahi kay Pangulong Rodrigo Duterte ang muling pagpapalawig sa Martial Law sa Mindanao dahil hindi na lamang aniya New People’s Army ang nasa lugar, kundi maging ang ASG, BIFF, at Maute Group na nahaluan pa ng Islamic State of Iraq and Syria.