Natuldukan na rin ng defending champion Toronto Raptors ang pamamayagpag ng Los Angeles Lakers ng pitong sunod na panalo matapos na winalis sa score na 113-104.
Ito ang ang unang kamalasan ng Lakers mula sa huli nilang talo sa opening night noon kontra sa Clippers.
Namayani pa rin ang Raptors kahit hindi nakapaglaro ang starter na si Kyle Lowry dahil sa broken left thumb at ang top reserve na si Serge Ibaka.
Matapos na hindi umubra ang bigating tambalan na Anthony Davis at LeBron James.
Ito ay kahit umiskor si Davis ng 27 points at si LeBron na meron na namang panibagong triple double perfomance sa pamamagitan ng 13 points, 15 assists at 13 rebounds.
Ito na ang ika-85 career triple-double ni James.
Sa panig ng Raptors nagsama ng puwersa sina Pascal Siakam na may 24 points at 11 rebounds at si Fred VanVleet ay nagtapos sa 23 points at 10 assists.
Sinasabing maganda naman ang ipinakita nina Davis at James pero nagkulang sa diskarte ang kanyang mga kasamahan.
Tulad na lamang ni Danny Green na dating bahagi ng kampeon na Raptors ay inalat ng husto sa nakakadismayang 0-for-5 shooting sa loob ng 27 minuto para sa Lakers.
Samantala, hawak ngayon ng Toronto ang 7-2 record gayundin ang Lakers.
Kaabang abang ang next game ng Raptors dahil haharapin nila ang grupo ni Kawhi Leonard at Clippers sa bukas ng Martes.
Ang Lakers naman ay bibisita sa Phoenix Suns sa Miyerkules.