-- Advertisements --
wushu 1

(Update) Mistulang umuulan ang gintong medalya sa unang araw ng 30th Southeast Asian Games (SEA Games) dahil sa pagbuhos ng medalyang ginto sa iba’t ibang larangan ng sports at events na sinalihan ng mga Pinoy athletes.

Umarangkada kaagad sa 23 mga gold medals ang naibulsa ng Pilipinas.

Kabilang sa huling nakapagbigay ng gold medals sa bansa ay ang world champion na si Carlo Yulo sa Men’s Artistic Gymnastics-Individual All-Around.

Namayani si Yulo sa kanyang paboritong event at dinomina ang mga karibal sa score.

Ang Arnis ay nag-ambag na ng apat na gold medals at ang back-to-back golds ay sa pamamagitan ni Niño Mark Talledo at sa pagkakataong ito ay sa Live Stick Featherweight sa Men’s Division siya namayani.

Nakakuha si Cunamay Villardo na nagdagdag ng gold sa Arnis-Men’s Lightweight +60kg less 65kg.

Muli rin namang humataw para sa gold medal performance ang mga Pinoy sa Dancesports sa Latin category sa Single Dance Rumba.

Ilang oras lamang ang nakalipas ay may gold medal din ang Pilipinas sa Dancesport-Single Dance Cha Cha.

Nasa siyam na gold medals na ang napagwagian sa dancesport at nauwi sana sa shutout kung hindi ang isang gold medal ay nakalusot papunta sa Vietnam.

Samantala ang unang gold medal ni Nino Talledo ay nabingwit niya sa Arnis-Men’s Featherweight +55kg less than 60kg makaraang talunin ang Vietnamese athlete.

Ang gold sa Dancesport-Single Dance Samba ay napunta rin sa mga Pinoy.

Kabilang pa sa nagbigay swerte ay ang Sepak Takraw-Men’s Hoop Event nang kumamada ng 670 na puntos na sinundan ng Cambodia na meron lamang 450 at Laos sa 430.

Bago ito naka-gold si Dexler Balambao sa men’s bantamweight 55kg and below category sa Arnis competitions.

Nakuha ni Jezebel Morcillo ang ika-23 gold medal sa women’s live stick bantamweight arnis sa Pampanga.

IMG e1ecb87b1c9cc1a7a473c5f8e9bfdc61 V

Kung maalala unang nakabuwena umano ng gold medal si John “Rambo” Chicano sa triathlon.

Nagtala sa oras na 1:53:23 si Chicano upang iposte ang kanyang unang gold medal sa SEA Games matapos na mag-silver lamang noong 2015.

Naging back-to-back 1-2 finish ang Team Pilipinas nang makuha rin ang silver medal.

Maging sa women’s triathlon bumida rin sa 1-2 finish ang bansa sa pamamagitan nina Kim Kilgroe at si Kim Mangrobang.

Nagawang maidepensa ni Mangrobang ang kanyang 2017 SEA Games gold medal.

Samantala sa ulat naman ni Bombo Bam Orpilla mula sa Royce Hotel sa Clark, Pampanga agad ding humakot ng limang gold medals ang mga Pinoy athletes sa dancesports.

Nagbulsa ng back-to-back gold medals ang mag-tandem na sina Mark Jayson Gayon at Mary Joy Renigen.

Dalawa ang kanilang medalyang ginto sa single dance waltz na may score na 29.950 at sa single slow foxtrot na tumpion para sa kabuang 30.200

Hindi rin naman nagpahuli sina Sean Mischa Aranar at Ana Leonila Nualla nang mamayani sa single dance tango pati na sa single dance Viennese waltz.

Noong una pa man tinataya na ng mga Philippine officials na tatanghaling hari ang bansa sa larangang ito dahil sa angking galing sa pagsaway.

Sa ngayon sa SEA Games, malayo na ang agwat ng Pilipinas kontra sa sumusunod na mga bansa.

Umaabot sa bilang na 56 record breaking sports at mahigit 500 events ang paglalabanan ng 11 mga bansa sa loob ng halos dalawang linggo.

Water polo
Water Polo / FB image